|
Mabilis na nakarating ang sinasakyan sa eskwelahang pinapasukan. "Para!," sabi ko panga. Hindi narinig ng mama kaya inulit ko ito ng malakas. "Para...!," todo na at buong sigawan, halos pumutok ang litid sa aking lalamunan. Kasabay kong bumaba ang misteryosong taong iyon. “Para bang matagal ko na siyang kakilala.” Naglakad ako ng matulin patungo sa aking kwartong papasukan. "Late na naman ako, anong floor ba 'yon?" Sa room habang nag-tuturo ang aking guro ay matama namang nagbabaybay ang aking diwa sa taong iyon. "Siguro maraming problema, mabigat?, 'di n'ya kaya, walang malapitan, walang masabihan, walang matakbuhan, at wala ng pag-asa…?" Biglang natulili ang aking tenga ng sumigaw ang aming guro. "Buwiset,... Quiet!," sabay walk-out. Tahimik ang lahat. Walang kamatayang katahimikan. Maya-maya, "Yahu...uuu!," ingayan na naman. "Uwian na…!" Unti-unting naubos ang tao, maliban sa akin. Nag-lakad ako sa pasilyo ng nag-iisa patungo sa pinakamataas na palapag ng gusali, sabay ihip ng hangin, malamig, sobrang lamig. Mula sa aking kinatatayuan, tanaw ko ang misteryosong taong iyon. Batid na may problema talaga at kita sa kanyang mga mata ang namumuong luha na mamaya-maya, marahil, ay babagsak na. Unti-unti ko s'yang nilapitan. Kasabay ang pag-akyat niya at pag-tayo sa mababang pader ng pasilyo na tila may gagawing kabaha-bahala. Umihip ang hangin, malamig, sobrang lamig. Dahil dito ay napuwing at napapikit ako bigla. Sa aking pag-mulat ay nakarinig ako ng kaingayan. sobrang ingay. Nakita ko ang mga taong nag-uumpukan, nag-tutumpukan, na para bang may nangyaring 'di kaiga-igaya. Biglang bilis ng pintig ng aking dibdib kasama pa ang kaba at takot sa nangyayari, sabay pilit sulyapan ang tunay na nagngyayari. Nabigla ako...! Nakita ko ang aking sarili..., duguan..., walang malay..., naubusan ng pag-asa..., walang hininga..., at patay na. Sayang...! |
| jm June 27, 2005 10:03 AM PDT its good! | ||
| Leave a Comment: |